Nory’s Restaurant: Pancit Alanganin sa Bocaue

Standard

IMG_7811

Kung ang hanap at hilig mo ay pancit na kakaiba sa ordinaryong nakagisnang pancit ay mairerekomenda ko ang sikat na Pancit Alanganin ni Nory  sa Bocaue. Kung saan makakahanap ka ng iba’t ibang uri ng luto ng Pancit sa pinaka abot-kayang presyo. Ang bawat isang order ng kahit anong pancit ay nagkakahalaga  ng  ₱35.00 at ₱ 40.00 naman kung take-out.

Ito ang ilan sa mga Pancit Alanganin sa Nory.

Tinawag na Pancit Alanganin dahil sa mayroon itong konting sabaw at parang alanganing tuyong pancit ito.  Lalong nagpasarap dito ang masaganang toppings na gulay, karne ng baboy at chicharong baboy.

Pugon ang kanilang ginagamit sa pagluluto.

IMG_7813

Bukod sa kilalang Pancit Alanganin ay binabalik-balikan din ang kanilang Halo-halo at kadalasang ito ang magkatambal na kainin sa Nory.

Nory's

IMG_7814

Matatagpuan ang Nory’s Restaurant sa Sulucan, Bocaue, Bulacan.

Maaaring tawagan sa numerong (044) 692 1487.

Bukas ang Nory ng lunes hanggang linggo mula 6:00am-8:00pm

 

Direksiyon kung paano pumunta:

Mula sa kapitolyo sumakay ka ng jeep na may karatulang bocaue, marilao, meycauayan o malinta. Kung estudyante ka at maypasok ay nagkakahalaga ng  ₱20.00 at ₱23.00 naman kung ordinaryong araw. Maaaring bumaba sa may crossing ng bocaue at sumakay ng tricycle at sabihin sa driver ang Nory’s Restaurant ₱ 20.00 ang normal na singel kapag mag-isa ka  kung mas kaya’t praktikal kung may makakasabay ka sa trike.

One thought on “Nory’s Restaurant: Pancit Alanganin sa Bocaue

  1. Hi! Organized naman ang pagkakasulat mo tungkol sa Nory’s Restaurant at sa simula pa lang ay nakaka-engganyo na agad o may ‘bubbly’ effect ang pananalita mo. Dagdagan pa sana ng kaunting intro tungkol sa Nory’s para mas may background ang mga may gustong pumunta; detalye rin sa mga inihahandang pagkain, pati ang ‘forte’ ng Nory’s, kung saan malalaman ng kakain ang pinagkaiba ng luto nila sa iba. Nabanggit at naipakita mo rin ang gamit nila sa pagluluto, lagyan pa sana ng kanilang paraan kung paano ito ginagamit dahil nabanggit mo na nga. Maganda ring i-describe ang lugar, ang ambiance nito, mga napansin mong pakiramdam habang nasa Nory’s at maganda ring ikwento ang mga taong dumadayo sa kanila lalo na ang mga gawi nila. Then, dapat siguro unahin kung kelan ito bukas, saan matatagpuan at kung paano makakapunta roon para dire-diretso ang daloy ng impormasyon at ipalit sa huli, ang mag-iwan ng mensahe kung bakit dapat nilang dayuhin ang Nory’s Restaurant. Mga detalye lang at arrangement ng mga material mo ang maaaring ayusin, maliban doon ay ayos na.

    Like

Leave a comment